DNA TEST KUMPIRMADONG KAY ABU DAR

abudar12

(NI JG TUMBADO)

POSTIBO nang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkasawi ng notoryus na terrorist leader na si Owayda Benito Marohomsar o mas kilala bilang si Abu Dar.

Kasunod ito sa paglabas sa kumpirmasyon sa natapos na DNA test sa isang bangkay na nakuha ng militar na pinaniniwalaang kay Abu Dar.

Lumabas ang resulta ng DNA test pagkaraan ng isang buwan matapos mapatay si Abu Dar sa ikinasang operasyon ng AFP sa bayan ng Tubaran at Pagayawan sa Lanao del Sur.

Ayon naman kay Col. Romero Brawner, commander ng Army’s 103rd Infantry Brigade, ang kamatayan umano ni Abu Dar ay hudyat ng katapusan ng Dawlah Islamiya Lanao Group.

Ani Brawner, leader-centric ang grupo at nang ma-neutralize ang dalawang lider sa Marawi siege ay idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglaya ng Marawi mula sa impluwensya ng mga terorista.

Ang tinutukoy na mga lider ay sina Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon at Omar Maute na nanguna sa pag-atake sa Marawi noong nakaraang taon.

Giit ni Brawner, kasama si Abu Dar sa nagplano at nagsagawa ng pag-atake pero nakatakas agad ito matapos masugatan sa labanan.

Walang nakakaalam na tubong Pagayawan si Abu Dar at isa itong terrorist leader noong panahon na siya ay napaslang.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng militar sa Marawi at Lanao del Sur ang kopya ng DNA result mula sa Philippine National Police (PNP) Scene of the Crime Operatives (SOCO) at inaasahang iaanunsyo ito ni Pangulong Duterte sa publiko anumang araw.

 

92

Related posts

Leave a Comment