SOLONS KAY DU30: PENITENSIYA NG PINOY TUTUKAN 

reklamo1

(NI BERNARD TAGUINOD)

UMAPELA ang dalawang babaing mambabatas kay Pangulong Rodrigo Duterte na pansinin ang penitensya na kinakaharap ng taumbayan dahil sa mga brownout, hindi maayos na serbisyo sa tubig, oil price hikes at iba pa.

Ginawa ni Gabriela party-list Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas ang panawagan dahil tila hindi umano pinapansin ng Pangulo ang mga paghihirap ng taumbayan sa kasalukuyan.

“It is a grave affront to Filipinos that President Duterte continues to indulge in his macho and sexist remarks with little or no regard at all to the agony of consumers,” ani De Jesus.

Sa Martes ay muling magtataas ng presyo ng langis ang mga oil companies at nitong mga nakaraang mga araw ay nagkaroon ng mga brownout dahil sa pagnipis ng reserba sa kuryente.

Hindi rin umano maayos ang water supply at nagkaroon ng glitch sa ilang banko na lalong nagpahirap umano sa taumbayan subalit tila hindi ito pinapansin ng administrasyon.

“Kawawa ang mga mahihirap nating kababayan na walang choice kundi maligo sa pawis dahil sa water supply interruptions at rotating brownouts. Women and babies are particularly at risk especially as the temperature hit sizzling levels,” ayon pa kay De Jesus.

 

74

Related posts

Leave a Comment