DND: OPLAN SODOMA VS DUTERTE HUWAG AGAD PANIWALAAN

lorenzana12

(NI JESSE KABEL)

INIHAYAG ng Department of National Defense na huwag basta-basta maniniwala sa mga ibinunyag ni Peter Joemel Advincula, alyas ‘Bikoy’, dahil sa sirang kredibilidad nito.

Ayon kay Defense Secretary Delfin     Lorenzana, hayaan siyang patunayan ang kanyang mga sinasabi higit ang ibinunyag na Oplan Sodoma kung saan binabalak patalsikin sa Palasyo si Pangulong Rodrigo Duterte at iluklok si Leni Robredo.

Sa press conference ng PNP nitong Huwebes, sinabi ‘Bikoy’ na gusto ni Trillanes umupo bilang Presidente si Robredo bago dumating ang Hunyo 30 para italaga siya na bise-presidente.

Agad namang pinabulaanan  ni Robredo na may  sabwatan kay Senador Antonio Trillanes para mapatalsik sa puwesto si Duterte.

Nabatid na totoong nagkita sina Robredo at Trillanes subalit nilinaw ng bise president na pinag-uusapan lamang nila ang senatorial bid at kampanya ng Otso Diretso.

“Pumunta siya dito sa opisina. Ang purpose niya sa pagpunta is to present the internal survey ng Magdalo para magamit ‘yung survey sa pag-strategize sa campaign,” pahayag ni Robredo.

Taong 2016 sinasangkot na si Robredo sa planong destabilization plot laban kay Duterte. Mariin niyang tinatanggi ang mga alegasyon.

171

Related posts

Leave a Comment