(NI BERNARD TAGUINOD)
MATAPOS magdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ipatutupad ang “doble plaka” law, iminungkahi ng isang mambabatas sa Mababang Kapulungan na palitan na lamang ito ng GPS o global positioning system at sticker para sa identification ng mga motorsiklo.
Kasabay nito, sinabi ni House assistant majority leader Bernadeth Herrera-Dy na kailangang magkaroon ng joint resolution ang dalawang Kapulungan ng Kongreso para pagtibayin ang pagpapasuspinde ni Duterte sa Republic Act 11235 o doble plaka law.
Ayon sa mambabtas, mahalaga ang nasabing batas para makontrol ang krimen na kagagawan ng riding in tandem subalit dahil nagdesisyon si Duterte na huwag muna itong ipatupad ay kailangang magkaroon ng alternatibo.
Kabilang na dto ang paglalagay ng GPS sa mga motorsiklo upag madaling matunton ito sakaling nakawin at gamiti sa krimen tulad ng pagpatay na karaniwang ginagawa ng mga riding in tandem.
“Kailangang may GPS lahat ng sasakyan para kapag ninakaw o ginamit sa krimen, may paraan matunton kung nasaan ito,” ayon sa mambabatas.
Maliban dito, iminungkahi din ng mambabatas sa Land Transportation Office (LTRO) na lagyan ng mga stickers ang motorsiklo upang madaling malaman kung ito ay private, ginagamit sa delivery at iba pa.
151