OIL PRICE HIKE MULI IKINADISMAYA SA KAMARA 

oil1
0

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAGPAHAYAG ng pagkadismaya ang isang mambabatas sa panibagong oil price increase na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis bukas sa Martes, dahil hindi pa nakababawi ang mga consumers lalo na ang transport sector sa kakarampot na rollback noong nakaraang liggo ay agad na binawi ito.

Dahil dito, muling iginiit ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas na kailangan nang bawiin ang deregulation law at maging ang Tax Reform Acceleration and Inclusion (Train) Law.

Sa Martes, ay muling magpapatupad ng oil price increase ang mga kumpanya ng langis kung saan tinatayang 15 hanggang 25 sentimos ang itataas ng bawat litro ng diesel habang 10 hanggang 20 sentimos naman sa gasolina.

Noong Abril 2, ay nagpatupad ng oil price rollback ang mga kumpanya ng langis matapos ang pitong linggo na oil price increase na ipinatupad.

“Hindi pa nag-iinit, binawi agad yung kakarampot na rollback last week,” dismayadong pahayag ni Brosas kaya dapat na aniyang bawiin ang dalawang nabanggit na batas.

Ang oil deregularion law o Republic Act (RA) 8479  ay nagbigay ng kapangyarihan sa mga oil companies na magtakda ng presyo ng kanilang mga na hindi na kailangang ipaalam sa gobyerno ay ipipatupad noong 1998.

Sinimulang ipatupad naman noong Enero 1, 2018 ang Train law kung saan pinatawan ng excise tax ang diesel at Liquified Petroleum Gas (LPG) na dating libre sa buwis.

Sinabi ni Brosas na kailangang pakiaalaman ng gobyerno ang ipinatutupad na oil price increase ng mga kumpanya ng langis dahil walang ideya ang mga consumers kung tama o hindi ang presyo ng mga produktong ito sa lokal na merkado at wala ng kontrol ang estado dahil anumang oras na gustuhin ng mga oil industry players na magtaas ng presyo ay maaari nilang gawin.

Kailangan na rin umanong bawiin ang Train law dahil ito sa mga dahilan kung bakit tumaas pa lalo ang presyo ng mga produktong petrolyo.

“Gabriela Women’s partylist, along with other Makabayan bloc partylist, has filed a bill seeking to remove the regressive provisions under Train law that include the additional oil excise tax,” ani Brosas.

 

 

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment