DOLE, BUS OPERATORS, COMPANIES MAGPUPULONG VS FIXED SAHOD

bus1

PUPULUNGIN ng Department of Labor and Employment ang mga bus operator at bus companies para sa implementasyon ng fixed na sahod sa mga bus drivers at konduktor sa Marso 9.

Ang pulong ay bunsod ng pagkontra ng mga bus operator at bus companies sa naturang kautusan kung saan ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay 2012 pa umiiral sa ilalim ng Department Order No. 118 subalit naantala lamang nang iakyat sa Korte Suprema ng ilang bus operators ang kanilang apela.

Ilan lamang umano sa mga bus companies ang operators ang sumusunod sa direktiba. Ilan umano sa mga tatalakayin sa pagpupulong ay ang mga benepisyo at regularisasyon na kaakibat ng fixed salary sa mga driver at konduktor.

96

Related posts

Leave a Comment