DOTr, MMDA IPATATAWAG SA SENADO 

gracepoe12

(NI NOEL ABUEL)

IPATATAWAG ng Senado ang Department of Transportation (DOTr) at ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa plano nitong pagpapasara sa terminal bus sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) at paglilipat sa labas ng Metro Manila ng mga provinical bus.

Ayon kay Senador Grace Poe, kailangan na magpatawag ng pagdinig upang agad malaman ang tamang solusyon at maiwasan ang sigalot sa pagitan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga commuters.

“In the next two weeks. Kailangan lang nating i-submit ‘yung resolution para mapatawag,” aniya.

Giit nito maganda ang layunin ng DOTr at MMDA na ilipat lahat ng mga terminal ng provincial bus sa labas ng EDSA subalit hindi naman naging maayos ang paglilipatan ng mga ito.

“Kasi dati gusto nila ilipat lahat ng mga terminal ng provincial sa labas na ng boundary ng EDSA. Magandang layunin ‘yan, kaya lang ‘yung transfer nga ang nagiging problema. Hindi naayos ‘yung paglipat do’n,” sabi nito.

Paliwanag pa ni Poe na ang pinakamahirap na sektor ang maaapektuhan ng plano dahil sa ang mga ito ang sumasakay ng bus kaya maituturing na hindi makatao ang paglilipat ng mga pampasaherong bus.

“Para sa akin, kailangan talagang magkaroon ng pagdinig muli kasi hindi lamang naman ‘yung mga, halimbawa provincial buses kung aalisin man, papaano na ‘yung ating mga pasahero, ‘yung mga mananakay. Pangalawa, ‘yung mga colorum ba ay talagang tuluyan nang natanggal, kasi ‘yon din, nakadaragdag din ng pagsikip ng daloy ng trapiko,” paliwanag pa ng senador.

 

164

Related posts

Leave a Comment