DTI, DA, PINAKIKILOS SA PROCESSED FOOD NA MAY ASF

ASF-3

(NI NOEL ABUEL)

PINAKIKILOS ng isang senador ang Department of Trade and Industry (DTI) at ang Department of Agriculture (DA) para bawiin sa merkado ang mga de latang pagkain at iba pang processed food na hinihinalang kontaminado ng African Swine Fever (ASF).

Giit ni Senador Francis Pangilinan, kung may katotohanan aniya na ulat at dumaan sa beripikasyon na ilang processed foods ay positibo sa ASF ay kailangang kumilos na ang nasabing mga ahensya ng pamahalaan sa lalong madaling panahon.

“If reports are true and verified that several processed meats have tested positive for African swine fever (ASF) virus, then the Department of Trade and Industry and the Department of Agriculture should identify these brands and immediately remove them from the market,” ani Pangilinan.

“Ito ang mag-aalis sa takot ng publiko na kumalat ang mga produktong ito at sa posibilidad na makain ito,” dagdag pa ni Pangilinan na dating Presidential Assistant on Food Security and Agricultural Modernization.

Base sa lumabas na ulat, ilang samples umano ang ginawa sa mga hotdog, longganisa, at tocino na inimport ng isang Manila-based company ang nagpositibo sa ASF virus.

Sinabi pa ni Pangilinan na dapat na tukuyin ng DTI kung anu-anong brands, manufacturers, ang naglalabas ng nasabing contaminated products.

“Maging aral sana ito sa mga kinauukulan na mas maging istrikto sa pag-monitor at pag-test ng mga imported na pagkain. Pagkain ito. Kailangang ligtas at mabuti sa kalusugan ang kinakain natin,” aniya pa.

“Walang saysay ang ginagawang pagpatay sa mga baboy natin kung meron namang ASF na makakapasok sa ating bayan at mapupunta sa ating mga hapag-kainan,” dagdag nito.

 

415

Related posts

Leave a Comment