(NI BETH JULIAN)
BAGAMA’T nagpahayag si Pangulong Rodrigo Durterte na bukas ito sa pagpapatuloy ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at Communist Party of the Philippines- National Democratic Front of the Philippines (CPP-NDFP), hindi naman ito pumayag na magkaroon pa ng mga kondisyones o demand.
Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na makabubuti pa rin naman ang magkaroon ng usapang pangkapayapaan kahit na mahigit 50 taon na ang pakikipaglaban ng mga komunista sa pamahalaan.
Gayunman, mahigpit ang tagubilin ng Pangulo na sakaling muling ibalik ang peace talks sa mga rebelde ay dapat na walang hihilinging anumang demand ang mga ito.
Mainam din na sakaling may hirit na panukala ang Pangulo sa kanilang usapan, dapat na tanggapin at hindi tumanggi rito si CPP-NDFP chair Joma Sison.
Kaya payo ng Pangulo kay Sison, bumalik na lamang sa the Netherlands si Sison kapag hindi sumang ayon sa ibababang panukala ng Chief Executive.
185