DU30 KUMAMBYO; PLANONG LEGALISASYON NG MARIJUANA BINAWI

MEDICAL MARIJUANA

(NI BETH JULIAN)

MAAARING samantalahin lamang ng mga drug users sakaling legal na ang marijuana para sa medical use.

Ito ang laman ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdalo nito sa kampanya ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Negros Occidental, kaya nagbago na ang isip at tutol na sa legalisasyon sa paggamit ng marijuana bilang gamot sa karamdaman.

Matatandaan na una nang inihayag ng Pangulo na pabor ito sa marijuana legalization dahil nagagamit ito bilang gamot sa sakit.

Pero bigla na lamang nagbago ang desisyon ng Pangulo at nagpahayag na hindi na ito pabor dahil gagamitin lamang umano ng mga drug users ang medical marijuana para palaguin ang pagtatanim nito at bentahan.

“Thumbs down ko yan. They’ll give you the excuse to harvest for, sabihin medicinal. Lahat na lang mag-medicinal na. That would be an excuse. Hindi ako pumayag. Not in my time. I do not intend to legalize it. Ayaw ko. Tatanim ka ng iyo, sabihin mo medicinal man kaya ito,” wika ni Duterte.

 

 

85

Related posts

Leave a Comment