USEC. ADOBO “TRAVEL”, “LAMESA” AT “REVIEW KING” NG DENR?

Misyon Aksyon

SALUDO talaga ako sa sipag at super bagal ng isang Department of Environment and Natural Resources Usec. na si Atty. Ernesto Adobo Jr. Kung ikaw ay magpa-follow up para alamin kung ano ang status ng papel na kailangan sa kanilang ahensya nakatengga lang sa lamesa na ‘for signature’ at ‘review’ ito ni Usec. Adobo Jr. Mabilis pa sa alas-kuwatro ang sagot ng kaniyang secretary na “Pasensiya na po, sir. For signature, for review na po sa ngayon (ang papeles) at wala po siya ‘di ninyo makakausap dahil nasa out of town po siya.”

Ito ang naging karanasan ng Misyon Aksyon upang alamin ang kaso ni Rodrigo de Roxas ng San Jose del Monte Bulacan City na may finality at case no. 9448 ukol sa Notice of Issuance of an order na may lagda ni dating Usec. Anselmo C. Abungan noong March 10, 2015, panahon noon ni DENR Sec. Gina Lopez.

Matagal nang nakatengga sa kaniyang lamesa para muling rebyuhin ang order ng dating DENR Usec. Abu­ngan na kung pag-aaralan dapat matagal na sa loob ng tatlong buwan tapos na dahil may “Finality” at order na ito noong February 3, 2013 na na-dismiss ang kaso sa dahilang walang merito ang reklamo kaya dapat matituluhan na ang usapin sa lupa.

Katunayan noong June 21, 2018, sumulat ang inyong lingkod para malaman ang tunay na kalagayan ng kaso ni De Roxas. Ganoon pa man dumaan tayo sa tanggapan ni DENR Dir. Marissa Cruz bilang courtesy sa kaniya at sa standard operation procedure dahil sa kanila muna dapat dumaan bago umakyat sa mga boss ng DENR. Agad naman tayong personal na sinamahan sa opisina ni Usec. Adobo iyon nga lang wala siyang dahilan sa kasagsagan ng kontrobersyal na Boracay.

Umabot na ito ng siyam na buwan wala pa siyang sagot maliban sa “for review at signature na po raw” ayon sa kaniyang secretary.

Dapat may mga resulta ang lahat ng anumang kaso na darating sa kaniyang tanggapan dahil sa loob lamang ng tatlong buwan dapat maibalik sa pinanggalingan ang decision.

Nasa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pabilisin lahat ng uri ng anumang transaksiyon sa gobyerno para pagserbisyuhan ang publiko.

Sabagay, ayon sa sumbong kung bakit mabagal ang sistema ng legal department ng DENR ay una, mahilig pala sa travel itong si Usec. Adobo Jr. na tuwing may kontrobersya ay nandoon lagi siya pagbiyahe. Inilagay siya ng Pangulo dahil prayoridad ang rebyuhin lahat ng nakatenggang usapin na mga kasong umaabot ng limang taon hanggang sa kasalukuyan wala pa ring resulta. Sa tingin ko nagkamali si Pangulong Digong na malagay siya sa Legal Department ng DENR dahil laging wala ito sa kaniyang tanggapan. Dapat po ay sa Department of Tourism siya nalagay hindi sa Legal Department ng DENR.

Tinatawagan si DENR Sec. Roy Cimatu. Sir, mukhang hindi bagay si Usec. Adobo Jr. una ay dahil panis na siya pagdating sa kaniyang tanggapan at kung pupunta ka o i-search mo sa Google ay inuulan sa reklamo ang kaniyang opisina, panis na. ‘Di po ba usaping legal ang hawak niyan na dapat prayoridad ang mag-review at pirmahan ang dapat pirmahan hindi ‘yong travel ka nang travel Usec. Adobo Jr. Sir, totoo po ba? Ang bintang sa inyo?

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. NOTE: Problema sa SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 / 09755770656 email address: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

101

Related posts

Leave a Comment