NAMATAY SA DENGUE NASA 140 NA — DoH

dengue1

HINDI pa man natatapos ang problema ng Department of Health (DoH) sa epidemya ng tigdas, kaso naman ng dengue ang tinututukan ngayon ng kagawaran.

Higit 30,000 na ang naitalang kaso ng dengue sa buong bansa, ayon sa DoH at mula sa inilabas na datos ng Epidemiology Bureau simula Enero 1 hanggang Pebrero 23, tinatayang 36,664 na ang bilang ng dengue cases sa bansa at 140 na namatay.

Nababahala naman ang DoH dahil sa mataas na bilang ng kaso ng dengue.

Mas mataas umano ito ng 14,703 kung ikukumpara sa parehong panahon noong 2018. Nabatid na sa datos ay nakalikha ng pinakamataas na biktima ang Central Visayas na mayroong 4,089 taong nagkasakit.

Sumunod ang National Capital Region (NCR) na mayroong 3,821 na dinapuan ng sakit.

Mataas man ang bilang ng kaso ng dengue sa NCR, mas mababa naman ito kung ikukumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Samantala, patuloy pa rin ang paalala ng DoH na bukod sa tigdas, kinakailangang mag-ingat din ang lahat sa lumolobong kaso ng dengue sa bansa.

93

Related posts

Leave a Comment