DU30 NANINDIGAN; ‘DI TAPUNAN NG BASURA ANG ‘PINAS

dutertebasura12

(NI BETH JULIAN)

MAGHIHIPIT na nang todo ang administrasyong Duterte para matiyak na wala nang makapapasok na basura sa Pilipinas mula sa kahit anong bansa.

Ito ay matapos manindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi garbage collector ang Pilipinas kaya’t hindi na kailanman nito papayagan ang anumang bansa na gawing basurahan ang Pilipinas.

Sa pagdalo ng Pangulo sa 37th Cabinet Meeting Lunes ng gabi sa Malacanang, ipinag-utos na nito sa lahat ng sangay ng gobyerno na huwag nang pumayag na tumanggap ng basura o anumang waste material mula sa ibang bansa.

Gayunman, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo na  nangako ang pamahalaan ng Canada na aakuin na nila ang lahat ng gastos sa pagkuha ng 69 waste containers na itinapon sa bansa noon pang 2013.

Ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nagpaabot ng mensahe ng Canada sa Cabinet meeting.

Tinatayang nasa 103 containers ang itinapon ng Canada sa bansa noong 2013 at 2014 kung saan karamihan sa mga basura ay mga diaper, plastic bottle at iba.

229

Related posts

Leave a Comment