PAGTAAS NG PRESYO NG KARNE NG BABOY ASAHAN

swine12

(NI DAHLIA S. ANIN)

DAHIL sa epekto ng African Swine Fever (ASF), asahan na umano ang pagtaas ng pressyo ng karne ng baboy sa mga susunod na buwan,  ayon sa Meat Importers and Traders Association (MITA).

Pinakaapektadong bansa ang China ng ASF, na siyang pinakamalaking pork producer sa buong mundo.

Kaya naman upang masiguro umano ng China na sapat ang kanilang suplay ay binibili nila ang lahat ng imported na karne sa buong mundo, ayon sa MITA.

Ilan sa mga inaasahang tataas ang presyo ay ang imported na ham, tocino, tainga, pisngi at atay ng baboy.

Dahil umano sa taas ng demand ng China ay naapektuhan na rin ang ibang karne katulad ng manok, baka at iba pang alternatibo sa karne ng baboy.

Magandang oportunidad naman ito para sa mga lokal na hog raiser, ayon sa Department of Agriculture (DA).

 

119

Related posts

Leave a Comment