DU30 OK NA MATAPOS ATAKIHIN NG MIGRAINE

duterte100

NASA maayos nang kalagayan si Pangulong Rodrigo Duterte matapos umanong makaranas ng matinding sakit ng ulo, nitong Biyernes.

Kinumpirma ito ni dating special assistant to the President Bong Go at sa katunayan umano ay balik na sa trabaho ang Pangulo gaya ng pagbabasa ng mga dokumento. Sabay din umano silang nag-midnight snack at halos tatlong oras na nagkwentuhan.

Hindi nakadalo ang Pangulo sa ilang okasyon kasama na ang pamamahagi ng lupain sa Davao City. Sinalo naman ni Davao City Mayor Sara Duterte ang posisyon ng Pangulo na nanguna sa ceremonial distribution ng mga certificates of land ownership award sa People’s Politcal Grand Rally sa Crododile Park grounds sa Davao City.

75

Related posts

Leave a Comment