DUTERTE SA MGA PISKAL: MAG-ARMAS KAYO!

crime gun 12

(NI BETH JULIAN)

KASUNOD ng pagtaas ng bilang ng mga pinapatay na prosecutors sa bansa, pinayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga piskal na armasan ang kanilang sarili.

Sa talumpati sa annual convention ng Prosecutor’s League of the Philippines sa Puerto Princesa City, iminungkahi ng Pangulo na mas magandang klase na magkaroon ng Glock 19 na pistola ang mga prosecutors.

“Mas maiging piliin nila ang ganyang klase ng baril dahil hindi mabigat at subok na ito,” wika ng Pangulo.

Base sa talaan ng Department of Justice, mula August 2016 ay umabot na sa walong prosecutors ang napapatay.

Gayunman, tiniyak ng Pangulo na hindi lulubayan ang imbestigasyon sa nasabing mga kaso at ipinangako ang mabilisang pagresolba sa mga ito.

213

Related posts

Leave a Comment