NAGTAKBO NG DATA RECORDS KAKASUHAN

passport

(NI NOEL ABUEL)

HINDI dapat palagpasin at kailangang papanagutin ng gobyerno ang dating passport maker na nagtakbo ng data records ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Ito ang panawagan nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa gitna ng pag-amin ni DFA Secretary Teodoro Locsin na nagsisimula sila ngayon sa pagbuo ng lahat ng records para sa mga passport holder.

Sinabi ng dalawang lider ng Senado na dapat obligahin ng DFA ang dating contractor na ibalik ang records dahil ito ay pag-aari ng gobyerno.

“We should compel the contractor to return this data. Ito ay pag-aari ng gobyerno, public record yan. Wala silang karapatang panghawakan ito. It will cause inconvenience dahil sa mga magre-renew uulitin na naman,” ani Drilon.

Iginiit nito na kung magmamatigas ang kumpanya ay mas makabubuting kasuhan na ito ng DFA.

“Sa akin dapat sampahan ng kaso kung hindi isosoli ng dating service contractor to compel that company to return the records. Public record po ito,” dagdag ni Drilon.

Iginiit naman ni Sotto na wala pa rin namang dapat ikabahala ang publiko sa mga records dahil kaya itong ayusin ng DFA.

“Palagay ko, hindi naman dapat ikabahala pero dapat ikainis. Palagay ko kaya naman ng DFA na magkaroon ng enough protection. Hindi naman naaalarma si Sec. Locsin parang naiinis lang siya, tingin ko makukuha natin yun hindi maaaring hindi. Magkakaproblema sila,” giit naman ni Sotto.

8

Related posts

Leave a Comment