DUTERTE ‘DI PIPIRMA SA ILLEGAL NA BUDGET

DUTERTE13

HINDI umano lalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang budget na hindi isinunod sa itinatadhana ng Konstitusyon.

Ito ay kasunod na hindi matapus-tapos na bangayan at palitan ng sisi ng dalawang Kapulungan sa pagpasa ng delayed na 2019 national budget.

Ang reenacted budget ang pinatatakbo ngayon ng gobyerno matapos mabigong maipasa sa oras ng Kongreso ang P3.7 trilyong General Appropriations Bill (GAB).

Patuloy na nag-aaway ang dalawang Kapulungan sa umano’y insertions na ginawa sa Kamara matapos aprubahan ng bicameral conference  committee ang kanilang bersiyon.

Sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na hindi niya pipirmahan ang niratipikahang 2019 national budget kung mapatunayang may mga isiningit ang mababang kapulungan.

“Hindi ako pipirma sa mga illegal na dokumento,” sabi ng Pangulo.

74

Related posts

Leave a Comment