(NI BETH JULIAN)
TINIYAK ng Palasyo na hindi madedehado ang Pilipinas sa pag utang ng bilyun bilyong pisong halaga para pondohan ang mga infrastructure projects ng pamahalaan.
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo bilang reaksyon sa pahayag ni Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad sa pag-utang ng Pilipinas.
Ayon kay Panelo, bago pa man ay masusing pinag aralan ng pamahalaan partikular ng mga economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag utang sa China kaya nakatitiyak na hindi magkakaroon ng problema rito ang Pilipinas.
Una nang pinayuhan ni Mahathir ang Pilipinas na mag ingat sa pag-utang sa China at maging aral ang nangyari sa kanila matapos nilang kanselahin ang ilang proyekto dahil nakita nilang hindi patas ang mga kondisyon na inilatag ng China sa Malaysia dahil kontrolado ng China ang mga bansang mayroong utang sa kanila.
“Of course will take his advice and the economic managers are evaluating all knds of loans we are having with the Chinese government,” wika ni Panelo.
Sa kasalukuyan ay dalawa ang loan agrrements ng Pilipinas sa China, ito ay ang P72.49 milyon na Chico River Irrigation project at ang P18.724 bilyon na New Centennoal Water Source-Kaliwa Dam Project.
Una na ring tiniyak ni Finance Secretary Sonny Dominguez na walang dapat ikabahala dahil kayang bayaran ng Pilipinas ang iniuutang nito sa China.
153