‘ICC WALANG KARAPATANG MANGHIMASOK SA ‘PINAS’

icc12

(NI BETH JULIAN)

WALANG hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) na imbestigahan ang Pilipinas.

Ito ang pahayag ng Malacanang at sinabing nilalabag ng lCC ang sarili nitong mga panuntunan sa ginagawang imbestigasyon ng crimes against humanity na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, kailanman ay hindi naging miyembro ang bansa sa Rome statute na nagtatatag sa nasabing grupo.

Una nang pinalutang ng ICC na ang anti-drug campaign ng Duterte administration ay  nauwi na sa extra judicial killings.

“We said from the very beginning, we were not under its jurisdiction. That letter was only to inform them as a matter of courtesy that excuse us, we have not been under your jurisdiction from the very start,” paliwanag ni Panelo.

Sinabi ni Panelo na maari lamang makapagpatuloy ang ICC sa preliminary investigation kung hindi pa nagwi-withdraw ang isang bansa ng kanyang membership.

Sa kaso ng ICC, sinabi ni Panelo na nasa preliminary examination pa lamang ang kanilang hanay ngayon.

Magiging epektibo na ang withdrawal ng Pilipinas sa ICC sa Sa Marso 17.

74

Related posts

Leave a Comment