(NI CHRISTIAN DALE)
HANDA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa puwesto kung ayaw na sa kanya at sa tingin ng mga tao ay hindi na siya kailangan.
Aniya, hindi na kailangan pang magkudeta ang mga sundalo para mapaalis siya sa puwesto.
Sinabi ng Pangulo na ayaw niyang magkasakitan pa ang mga sundalo kaya sabihan na lamang siya at kusa siyang bababa sa puwesto o kaya ay magre-retiro na lang nang maaga.
Kaya, tama lamang aniya ang ginawa nina dating pangulong Ferdinand Marcos at Joseph Estrada na bumaba na lang sa kapangyarihan sa halip na magsakripisyo ng buhay ng mga kawal.
“Ako, if I’m no longer needed or if I — kung ang tingin ninyo mas may mahusay pa sa akin? Go ahead. Let me know.
We dispense with this dramatic sa mga tangke, tangke de giyera. Lumang tugtugin na ‘yan,” ayon kay Duterte.
Makabubuti aniya na ipaalam agad sa kanya kung ayaw na sa kanya ng mga ito.
“Just let me know. I don’t want you to fight with your fellow soldiers and policemen kagaya ng ibang Presidente. Erap did it. Marcos did it. Tama ‘yon. Walang lider magsabi na mag-counter attack. G*** ‘yon. Tama ‘yung ginawa nila. Bumaba sila,” aniya pa rin.
163