EBIDENSYA SA P74-B ‘PINAKIALAMAN’ NG SENADO INILANTAD

andaya12

(NI BERNARD TAGUINOD)

ISINAPUBLIKO na ng liderato ng Kamara ang mga dokumento na magpapatunay na umaabot sa P74 Billion ang halaga na pinakialaman ng mga senador sa 2019 national budget subalit ayaw nilang idetalye kung saan nila ito dinala.

Ang hakbang ay ginawa ni House appropriation committee chair Rolando Andaya matapos tawagin  ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III bilang “delusional” o “kahibangan” ang inilantad ng Kamara na pondong pinakialaman ng mga senador.

Inilabas ni Andaya ang 22-pahinang dokumento upang ipakitang hindi gawa-gawa ang paratang ng Kamara.

Kabilang na rito ang pondo para sa build-build-build projects ni Pangulong Rodrigo Duterte na binawasan ng mga senador tulad ng right of way funds ng Department of Transportation (DOTr) na umaabot ng P5 Billion at P11.033 Billion naman sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Umaabot din umano sa P39 Billion ang pondong inalis ng Senado na pambayad sana aniya sa pension ng mga uniformed personnel at retirement benefits ng mga government employees.

Kasama din pinakialaman ng mga senador ay ang P3 Billion ang Technical Educations Skills and Development Authority (TESDA) na gagamitin sana sa scholarship ng mga kabataan, rebel returnees at iba subalit hindi sinasabi kung saan umano nila ito dinala.

 

93

Related posts

Leave a Comment