EMPLOYER NA DEADMA MATAPOS ANG LINDOL, KINONDENA

lindol12

(NI MINA DIAZ)

BINATIKOS ng workers group Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang mga employer na nagagawa pang isang ‘business as usual attitude’ sa pamamagitan ng pagpayag na magtrabaho at ilantad sa panganib ang kanilang empleyado sa kabila ng panganib sa lugar ng trabaho dulot magnitude 6.1 noong Lunes ng hapon.

Sinabi ng grupo na nakatanggap sila ng reklamo ng mga manggagawa sa kanilang managers, supervisors at employers na hindi sila ini-evacuate palabas ng gusaling pinagtatrabahuhan habang ang iba ay pinababalik pa ng opisina para magtrabaho pang muli matapos ang lindol. Ang iba ay nagsabing huwag lumabas at tapusin ang ginagawa.

“This company practice or policy is a form of abuse and it must be condemned because it imperils the lives of their employees and jeopardizes the safety and health of workers,” pahayag ni TUCP President Raymond Mendoza.

Aniya, obligasyon ng employer at mga mag-ari ng negosyo na tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado sa panahon ng mga kalamidad sa trabaho tulad ng lindol, sunog at iba pang mga kakila-kilabot na mga kaganapan.

Sa kabilang dako, pinuri ng grupo ang mga employer at mga negosyo na siniguro ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado sa pamamagitan ng paggamit ng mga proteksyon sa evacuation sa loob ng ligtas na lugar bago sila pinauwi matapos ang  kaguluhan na nilikha ng lindol.

Samantala, matapos ang lindol, sinabi niya na obligasyon ngayon ng mga employer at responsibilidad ng mga may-ari ng negosyo na siyasatin ang kanilang lugar ng trabaho para sa posibleng pinsala na dulot ng pag-uga upang maiwasan ang sakuna sa lugar ng trabaho sa hinaharap.

 

117

Related posts

Leave a Comment