ENDO BILL MAAARI PANG ISULONG – PANELO

endo77

(NI BETH JULIAN)

MAAARI pa rin namang isulong ang pagbabawal sa contractualization sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, may mga mungkahi si Socio Economic planning secretary Ernesto Pernia para balansehin at itama ang panukala nang sa gayon ay hindi makasama sa ekonomiya at pagkabuhayan.

Gayunman, sinabi ni Panelo na posibleng hindi na ito prioridad ng kasalukuyang Kongreso.

Una nang tuluyang nai-veto ni Pangulong Duterte ang Security of tenure bill.

Layon sana ng panukala na itigil ang end of contract sa Pilipinas.

Bago nito ay una na ring sinertipikahan ng Pangulo bilang urgent na maisabatas ang panukala na mas kilala sa tawag na anti Endo bill.

Isa rin sa mga pangako ng Pangulo noong 2016 kampanya ang pagtigil sa kontraktwalisasyon.

Gayunman, matapos iveto ng Pangulo ang nasabing panukala ay pinaninidigan niya na maprotektahab ang seguridad sa trabaho ng mga manggagawa, pero sinabi nito na masyadong pinalawak ng panukalang batas ang kahulugan ng ipinagbabawala na labor only contracting at nadamay ang ibang mga uri ng kontraktwalisasyon na hindi naman nakasasama sa mga empleado.

Ayon sa Pangulo, dapat na hayaan ng mga negosyo na alamin kung kailagan nilang mag outsource ng ilang aktibidad kung hindi lalo na kung ang job contracting ay makabubuti ng kanilang operasyon nang walang masamang epekto sa mga trabahador.

350

Related posts

Leave a Comment