IBINUNYAG ng Commission on Elections (Comelec) na bahagi ng kanilang prayoridad ang pagtiyak ng sapat na kuryente sa May midterm elections gayundin sa pag-iingat sa mga sensitibong impormasyon ng bawat botante sa kanilang mga boto.
Kasabay nito, nakikipagpulong ang Comelec sa energy at power providers para talakayin ang mga plano kontra sa banta ng ‘leakage’.
Naniniwala si Comelec spokesperson James Jimenez na malaki ang papel na gagampanan ng power providers sa mismong araw ng eleksiyon kaya’t nararapat lamang na matiyak na sapat ang reserba nito.
Nais din umanong malaman ng Comelec ang paghahandang ginagawa ng energy providers kung may hindi inaasahang pagkawala ng kuryente sa May 13 elections.
131