EO SA MURANG GAMOT HIHILINGIN NG DOH SA PALASYO

gamot

MAGSUSUMITE si Health Secretary Francisco Duque III sa Office of the President ng rekomendasyon para ibaba ang presyo ng mga gamot.

Sa isang forum, sinabi ni Duque na kailangang maibaba ang napakamahal na presyo ng mga gamot upang mapakinabangan ng mahihirap.

Ang presyo ay maibababa nang mahigit sa kalahati sakaling ayunan at lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order.

Ibinunyag ni Duque na ang presyo ng mga gamot sa bansa ay halos 70 porsiyentong mataas kumpara sa ibang bansa.

Ang mga gamot sa pangunahing sakit tulad ng hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases, at major cancers ay hiniling nang ibaba mula pa noong Setyembre.

 

321

Related posts

Leave a Comment