EX-DFA CHIEF DEL ROSARIO PINIGIL SA HK AIRPORT

dfa chief del rosario 12

PINIGIL si dating Philippine Foreign Secretary Albert del Rosario – isa sa mga namuno sa arbitration case laban sa China – sa Hong Kong immigration para sa clearance na makapasok sa naturang bansa ngayong Biyernes.

Ito ay matapos din maranasan ang dinanas ng kasamang si dating ombudsman Conchita Carpio-Morales – na nagsampa ng kaso laban kay Chinese President Xi Jinping,  sa International Criminal Court.

Si Morales ay pinigil din sa naturang airport kasama ang kanyang pamilya na mamamasyal doon noong  Mayo.

“Waiting now at immigration for over an hour for clearance,” sabi ni Del Rosario sa mga nakapanayam bandang alas 9:00 ng umaga.

Si Del Rosario na nagsilbi sa administrasyon ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, ay matagal nang umaakusa sa China ng bullying sa South China Sea.

 

138

Related posts

Leave a Comment