(Ni FRANCIS SORIANO)
GUILTY ang naging hatol ng Sandigangbayan kay dating Mayor Isidro Lebrilla Hemedes ng Cabuyao City, Laguna at kasalukuyang tumatakbong kongresista sa ikalawang distrito ng Laguna, matapos itong basahan ng hatol sa kinahaharap nitong kaso kaugnay sa paglabag nito sa RA 3019 na kilala rin bilang Anti Graft and Corrupt Practices Act.
Ayon sa 20-pahinang resolusyon nitong February 1, 2019 ng 7th Division ng Sandiganbayan, nilagdaan nina Chairperson, Associate Justice Ma.Theresa Dolores C. Gomez-Estoesta, Associate Justice Zaldy V. Trespeses at Associate Justice Georina D Hidalgo, hinatulan sa graft si dating alkalde Hemedes sa pagiging Board Member nito sa Luzon Development Bank (LDB).
Sa desisyon, hindi umano bababa sa anim na taon hanggang walong taon ang hatol na kulong at hindi na rin makatatakbo sa alinmang public office ang dating alkalde.
Sa kabilang dako, sa apat ng kandidatong para kongresista sa ikalawang distrito ng Laguna, lumilitaw na tanging si Ruth Mariano-Hernandez lamang ang diumano’y walang kasong hinaharap na may kinalaman sa korupsyon at pang-aabuso sa tungkulin.
Habang nangangamba naman ang mamamayan ng ikalawang distrito at nagpahiwatig na baka ganito rin ang sapitin ni Efraim Genuino, na dating mataas ng opisyal ng Pagcor. May kinahaharap na samu’t-saring kaso sa Sandiganbayan si Genuino, na isa rito ay may kinalaman, diumano, sa bayad ng Philippine Sports Commission na P37 million na bahagi ng P124,507 million mula sa Pagcor at ibinayad naman sa aquatic training facility sa TraceAquatic Center (TAC).
143