(NI BERNARD TAGUINOD)
LALO pang lumabo ang pag-asa ng mga manggagawa na magkaroon ng umento sa kanilang sahod matapos sabihin ng gobyerno na kailangan lang ng isang pamilya na may limang miyembro ang P10,481 kada buwan para mabuhay nang maayos.
Ito ang opinyon ni ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio kaya itinakda ng Philippine Statistics Administration (PSA) na kailangan lang ng isang tao ang P70 kada araw para mabuhay.
“The government is denying people’s demand for salary, wage increase through PSA poverty stats,” ani Tinio kahit alam umano ng ahensyang ito na imposibleng mabuhay sa nasabing halaga.
Sa ngayon ay P537 ang minimum wage sa Metro Manila o P13,962 kada buwan na mas malaki kumpara sa itinakda ng PSA na P10,481 na kailangan ng isang pamilya na limang miyembro para mabuhay.
“The Duterte administration, through the PSA’s too-conservative numbers, aims to present diminishing statistics on the income gap, poverty gap, and severity of poverty and thus silence the defeaning demand of the people for living salaries and wages,” ayon naman kay Rep. France Castro ng nasabing grupo.
INSULTO SA MGA TAO P42K ANG KAILANGAN
Itinuturing naman ni Akbayan party-list Rep. Tom Villarin na insulto sa mga tao lalo na sa mahihirap ang statistics na inilabas ng PSA para palabasin lamang na konti na lang ang mahirap sa Pilipinas.
“It seems that government statisticians treat poverty as mere figures they can play with. You can’t reduce human dignity to pesos and centavos. It’s an insult to our common sense and shows a distorted perception of reality just to paint a bright picture for us to believe,” ani Villarin.
Sa katunayan aniya, mismong si Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang nagsabi umano noong nakaraang taon na para makaalis ang isang pamilya sa poverty line ay kailangan nilang kumita ng P42,000 kada buwan.
Dahi dito, dapat umanong itigil na ng gobyerno ang ilusyon na bumaba ang bilang ng mga mahihirap na pamilya sa bansa dahil alam umano nito na hindi makatotohanan ng pagpapaba sa halaga na kailangan ng isang pamilya kada buwan lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang pagkain, serbisyo publiko tulad ng tubig at kuryente.
375