EX- MAGUINDANAO GOV AMPATUAN GUILTY SA GRAFT

sandigan

(NI ABBY MENDOZA)

NAPATUNAYANG guilty ng Sandiganbayan si dating Maguindanao governor Datu Sajid Islam Ampatuan sa kasong graft, malversation of public funds at falsification of public documents kaugnay sa maanomalyang pagbili ng mga construction materials para sa paggawa ng mga eskuwelahan na hindi naman naitayo noong 2008 at 2009.

Sa desisyon ng Sandiganbayan Fourth Division ay hinatulan ng  walo hanggang 12 taon pagkakakulong si Ampatuan sa kasong graft, 6 na buwan hanggang 8 taon sa bawat isa sa 63 kaso ng falsification of public documents habambuhay na pagkakakulong sa kasong malversation of public funds.

Bukod dito ay diskuwalipikado na din si Ampatuan na mamasukan sa anumang posisyon sa gobyerno at pinagmumulta ng P37.74 milyon.

Samantala pinayagan naman ng graft court na makapagpiyansa si Ampatuan  na itinakda sa  P1.58  milyon habang iaapela ang nasabing desisyon.

Ang kaso nito ay ay kaugnay sa pagbibigay umano ni Ampatuan ng pabor sa Abo Lumberyard and Construction Supply kung saan binili ang mga construction materials para sa pagsasaayos ng mga paaralan sa Maguindanao.

Ayon sa prosekusyon walang naging aktwal na delivery ng mga materyales dahil hindi naman totoo ang naturang kompanya.

Sa 36 pahinang desisyon sinabi ng  Sandiganbayan na nagkaroon ng paggasta sa pondo ng gobyerno nang wala namang nagawang proyekto,may mga disbursement vouchers umano ngunit wala namang delivery.

102

Related posts

Leave a Comment