INFRA PROJECTS APEKTADO SA BUDGET DEADLOCK

gloria12

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG nagkasundo lamang sana ang dalawang Kapulungan ng Kongreso sa 2019 national budget sa itinakdang panahon, umaarangkada n asana ngayon  ang mga nakalinyang proyekto ngayong taon.

Ayon  kay  House minority leader Danilo Suarez, kung nagkasundo agad ang Senado at Kamara sa national budget ay malamang na sinisimulan na ng mga proyektong nakaprograma ngayong taon.

“The sentiments coming from the sector of DPWH (Department of Public Works and Highways), they say this is the best time to start construction dahil sa mainit eh,” ani Suarez.

Muling mag-uusap ang mga kinatawan ng Kamara sa kanilang mga counterpart sa Senado para pag-usapan muli ang national budget kung saan inaasahan na magkakaroon na ng pinal na desisyon ang mga ito sa Miyerkules.

Ayon kay Suarez may pag-asa pang maihabol ngayong tag-init ang mga infrastracture projects na nakaprograma sa P3.757 Trillion national budget kung magkakasundo na ang Senado at Kamara.

Gayunpaman kung sa Mayo pa ito matatapos ay malabo na umanong masimulan ang mga proyekto dahil pagdating umano ng Mayo, tag-ulan na, at delayed na lahat ng mga infrastructure.

“Kaya panawagan namin sa aming counterparts sa Senate, tutal ipinasa na namin yung aming enrolled bill sa kanila, wala naman kaming prino-proposed na pagbabago, ginawa lang namin nag line item kami duon sa portion ng Congress,” anang mambabatas.

82

Related posts

Leave a Comment