EX-PAGCOR CHIEF GENUINO LUSOT SA PERJURY

sandigan12

(NI JEDI PIA REYES)

PINAWALANG-SALA ng Sandiganbayan 3rd Division si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chair Efraim Genuino sa kasong perjury na may kinalaman sa paghahain ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Batay sa desisyon ng anti-graft court, hindi napatunayan ng prosekusyon na may sapat na batayan upang maidiin ang akusado sa kaso.

May kaugnayan ang asunto nang hindi umano isinama ni Genuino ang kanyang mga ari-arian sa Bangkal, Makati City; Tunasan, Muntinlupa; Los Baños at Sta Rosa, Laguna, mula noong 2002 hanggang 2005.

Apat na bilang ng kasong perjury ang inihain ng Office of the Ombudsman kay Genuino dahil dito.

Nakasaad din sa desisyon ng Sandiganbayan na inaalis na ang hold departure order (HDO) laban sa dating PAGCOR official habang deemed released na ang inihain nitong piyansa na nagkakahalaga ng P24,000.

100

Related posts

Leave a Comment