PPCRV, LENTE, KAPALIT NG NAMFREL SA HALALAN

comelec12

(NI HARVEY PEREZ)

IPINALIT ng Commission on Elections (Comelec) sa National Citizen’s Movement for Free Elections (Namfrel), ang dalawang poll watch  bilang citizen’s arm sa midterm elections sa Lunes, Mayo 13.

Sinabi ni  Comelec Commissioner Rowena Guanzon,  ang church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at Legal Network for Truthful Elections (Lente), ang napili nilang papalit sa

Namfrel upang manguna sa idaraos na random manual audit (RMA).

Ito ang tugon ni Guanzon matapos na tanungin ng isang netizen sa kanyang Twitter account kung sino ang makahahalili ng Namfrel.

“PPCRV, Lente will be members of Random Manual audit instead of Namfrel,” ayon kay Guanzon.

Magugunita na tumanggi ang Namfrel sa akreditasyong ibinigay sa kanila ng poll body bilang citizen’s arm sa midterm elections.

Kaugnay nito, siniguro rin  ni Comelec spokesperson James Jimenez na madali silang makahahanap ng citizen’s arm na papalit sa Namfrel at matutuloy ang RMA dahil isa lamang ang poll watchdog sa 10 grupo na bumubuo ng koalisyon para sa RMA.

Tumanggi ang  Namfrel sa akreditasyon matapos ang pagtanggi ng poll body na mabigyan sila  ng access sa impormasyon at data sa halalan.

145

Related posts

Leave a Comment