EXTORTION, CORRUPTION LALALA SA IMMIGRATION

POSIBLENG lumala ang corruption at extortion sa Immigration kapag hindi binawi ng Inter Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang bagong patakaran sa mga bibiyaheng Pilipino palabas ng bansa.

Ito ang babala ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez kaugnay ng inilabas na bagong guidelines ng IACAT na ayon sa mambabatas ay paglabag sa constitutional rights ng mga Pilipino na bumiyahe.

“I am afraid that’s where extortion, harassment and corruption will arise,” pahayag ni Rodriguez.

Dahil dito, ipinakokonsidera ng mambabatas sa IACAT na pinamumunuan ni Justice Secretary Crispin Jesus “Boying” Remulla ang kanilang desisyon.

Sa ilalim ng bagong guidelines, bukod sa passport, visa kung kailangan, boarding pass at return ticket, kailangang makapagpakita ang mga biyahero ng katibayan ng kanilang financial capacity at source of income, hotel accommodation, employment certificates.

Ang mas mahigpit na patakaran ay para umano labanan ang human trafficking.

“They are proposing to burn the whole house down to kill or catch a rat,” ayon pa sa mambabatas.

Tiyak din aniya na magdudulot ng mas mahabang pila sa Immigration counters ang bagong patakarang ito dahil inaasahan na mas hahaba ang oras ng immigration officers sa pagbusisi sa travel documents ng mga biyaherong Pinoy.

(BERNARD TAGUINOD)

214

Related posts

Leave a Comment