FAKE NEWS INALMAHAN NG OPAPP

opa1

(NI JESSE KABEL)

UMALMA ang  Office of Presidential Adviser on the Peace Process sa kumakalat na fake news hinggil sa umano’y pinal na listahan ng mga kasapi ng bubuuing  Bangsamoro Transition Authority na pinakakalat ngayon sa online.

Nilinaw ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) na wala pang “ final and official list of appointees” para sa Bangsamoro Transition Authority.

“Hence, the list being circulated on various social media platforms is fake,” ayon sa inilbas na pahayag OPAPP, Linggo ng hapon.

Nilinaw ng nasabing tangpaan na sa kasalukuyan ay nagsumite pa lamang sila ng listahan ng mga nominado sa sa Office of the President para pag-aralan . Ang pinal at opisyal na pangalan ng mga appointees ay magmumula kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasabay nito, nanawagan ang OPAPP sa publiko na maging matalino at mabusisi hinggil sa mga nakikita at pinakakalat sa mga social media.

Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Carlito Galvez na “it’s all system go” na para sa pagtatatag ng Bangsamoro Government.

Sinasabing “all-set” na sa  kanilang paghahanda ang OPAPP  para sa pagsasalin o transition ng Automous Region in Muslim Mindanao (ARMM) patungong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Inaantabayan na lamang din ng nasabing tangpan ang mga hihirangin ni pangulong Duterte na bubuo sa  80-member Bangsamoro Transition Authority (BTA)

Wala pang pinal na kumpirmasyon na makakasama ang mga kasalukuyang ARMM officials sa bubuuin transition government hangang sa matapos ang kanilang termino sa Hunyo 30 ng kasalukuyang taon kung saan matapos na makatipikahan ang BOL ay maabolished na ang ARMM.

Una nang lumutang ang pangalan ni  Murad Ebrahim Al Haj, na pinuno ng MILF ang siyang posibleng tatayong  chief minister  ng Bangsamoro Transition Authority.

206

Related posts

Leave a Comment