FDA CHIEF PUNO SIBAK  SA ‘CORRUPTION’

puno12

(NI BETH JULIAN)

SIMULA na ng pagtupad sa mga pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na iisa-isahin nitong linisin ang mga sangay ng pamahalaan na ang mga nanunungkulan ay mga sangkot sa kurapsyon.

Ito ay matapos i-anunsyo Huwebes ng hapon ng Malacanang na anumang oras ngayon ay epektibo nang sibak sa serbisyo si Nela Charade Puno, ang Director General ng Food and Drugs Administration (FDA).

Personal na binasa ni Presidential spokesperson Salvador Panelo ang isang liham mula sa Office of the President na may lagda ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa media kung saan nakasaad na effective immediately  at tine-terminate na sa serbisyo si Puno.

Bagaman hindi detalyado, sinabi ni Panelo na may kaugnayan ito sa mandato ng Pangulo na burahin ang mga insidente ng graft and corruption sa gobyerno.

Gayunman, wala pa rin tinukoy si Panelo kung anong kaugnayan ng graft and corruption sa pagsibak kay Puno.

Ayon kay Panelo, ang aksyon ng Pangulo ay upang masiguro na aakto nang naaayon sa kanilang mga mandato ang mga opisyal. Hindi din tinukoy ni Panelo kung sino ang ipapalit kay Puno.

Inaatasan din si Puno na ibalik ang lahat ng mga dokumento at mga properties na isyu sa kanya sa Office of the Undersecretary for Health Regulation sa ilalim ng Department of Health (DoH).

Una nang nagpalabas ng anunsyo kamakailan ang Pangulo na marami itong sisibaking opisyal ng gobyerno na pawang sangkot sa kurapsyon.

 

182

Related posts

Leave a Comment