FDA NAGBABALA VS PAG-INOM NG SLIMMING TEA

fda12

(NI GUILLERMO OCTAVIO)

NAGBABALA ang Food and Drug Administration (FDA) ng Department of Health laban sa pagbili at pagkonsumo ng isang brand ng tsaang umano’y pampapayat at iba pang produktong hindi rehistrado at hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.

Pinayuhan ng FDA ang madla na huwag gumamit ng Delicious Herbal Formula Ultra Slim Tea-Cran-Raspberry Herbal Tea, Solgar Ester-C Plus 1000 mg Vitamin Dietary Supplement, Good Day Chocolate Energy Supplement Candy Coated Pieces Dietary Supplement at Yum Earth Gummy Bears.

Ayon sa FDA, ang mga nasabing produkto ay hindi sumailalim sa kanilang ebalwasyon at hindi nila kayang tiyakin ang kalidad at kaligtasan ng mga ito.

Binigyang-diin ng ahensya na maaaring magdulot sa panganib sa kalusugan ng kokonsumo ng mga nasabing produkto.

Dagdag pa ng FDA, naberipika nila sa pamamagitan ng post-marketing surveillance na ang mga nabanggit na produkto ay hindi awtorisado at hindi pa naiisyuhan ng Certificate of Product Registration (CPR).

Nakasaad sa Republic Act No. 9711, na mas kilala bilang “Food and Drug Administration Act of 2009”, na ang paggawa, pag-angkat, pagluluwas, pagbebenta, paglalako, pagbibiyahe, non-consumer use, promosyon, pagpapatalastas o pag-sponsor ng mga ng mga produktong pangkalusugan na walang wastong awtorisasyon ay ipinagbabawal.

Binalaan din ang mga establisimyento na huwag magbenta ng mga produkto hangga’t hindi pa nabibigyan ng wastong awtorisasyon, License to Operate (LTO) para sa establisyemento, at CPR para sa food product at food supplement.

 

150

Related posts

Leave a Comment