FLEXI WORK SKED SA MGA SINGLE ISINUSULONG

nanay

(NI ABBY MENDOZA)

DALA na rin ng kanilang responsibilidad sa pamilya, isinusulong ng isang mambabatas ang House Bill 9026 o Single Persons’ Welfare Act na maglalayong bigyan ng karagdagang 3 day leave at magkaroon ng flexible work schedule ang mga single na may mga dependents gaya ng kapatid na pinag aaral o magulang na inaalagaan.

Ayon kay Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento karaniwang mabigat ang responsibilidad ng mga single with dependents kaya makatutulong kung mayroon silang flexible na oras sa trabaho.

“This will help them to have more time to attend to various family matters. This is to recognize their sacrifice and their financial and moral contribution for the strengthening of the Filipino family,” paliwanag ni Sarmiento.

Ang 3-day leave ay maaari naman umanong magamit kapag nakapagtrabaho na sa loob ng 1 taon sa kumpanya habang ang flexible working hours ay.maaaring ibigay ng employer kung hindi ito makakaapekto sa kanilang pang araw araw na operasyon.

Sakaling maging batas ay binibigyan naman ang employer ng exemption kung hindi ito maipapatupad ang House Bill 9026 subalit dapat ay dumaan ito sa

Department of Labor and Employment (DOLE).

190

Related posts

Leave a Comment