FOREIGN WORKERS KOKONTROLIN, PINOY PRAYORIDAD

pinoyworker

NAGLABAS ng bagong kautusan ang Department of Labor and Employment (DOLE) kung saan bibigyang prayoridad ang mga Filipino na nag-aapply ng trabaho kumpara sa mga foreign nationals sa katulad na trabaho.

Sinabi ni Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na ito ay upang makontrol ang pagdami ng mga dayuhang manggagawa sa bansa.

Ilan aniya dito ay ang pagpalabas nila ng pangalan ng dayuhang aplikante at ang trabahong inaaplayan nito at dito mabibigyan ng isang buwan ang sinumang Filipino para kontrahin at kunin na lamang ang trabaho.

Hindi na rin umano magbibigay ng working visa sa dayuhan sakaling may Pinoy na sakto sa qualification ng trabaho.

160

Related posts

Leave a Comment