FPRRD WALANG NILABAG NA BATAS SA COVID FUND TRANSFER

(DANG SAMSON-GARCIA)

NANINDIGAN si Senador Robinhood Padilla na walang nilabag na batas si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa paglipat ng bilyon-bilyong piso sa Procurement Service ng Department of Budget and Management (PS-DBM) para labanan ang COVID-19.

Ipinaliwanag ni Padilla na ang aksyon ng dating Pangulo ay batay lamang sa Seksyon 4 ng Bayanihan Law 1 o Republic Act 11469 kung saan exempted sa procurement law at iba pang batas ang pagbili ng personal protective equipment (PPEs).

Binigyan din anya ng emergency powers si Duterte noon para labanan ang pandemya at ang epekto nito.

Una nang ibinunyag ni dating Health Secretary Francisco Duque III sa congressional inquiry na pinalipat niya ang P47.6 bilyon sa PS-DBM para bumili ng Covid supplies, base sa utos ni noo’y Pangulong Duterte.

“Katulad ng ibang mga bansa tunay na sumuka ng salapi ang lahat ng gobyerno, ang karamihan ay katulad natin na nangutang para mapagtagumpayan ang pandemic ng COVID,” diin ng senador.

37

Related posts

Leave a Comment