GABRIELA TO THE RESCUE SA ‘ANG PROBINSYANO’

Nakakuha ng suporta sa hanay ng mga militanteng kababaihan sa Kamara ang television series na “Ang Probinsyano” ni Coco Martin, matapos kastiguhin ang panggigipit umano ng Department of Interior and Local Governent (DILG) sa nasabing programa.

Ayon sa Gabriela party-list group na kinakatawan nina Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, wala sa lugar ang DILG at Philippine National Police (PNP) na i-pressure ang nasabing programa para pagandahin ang imahe ng kapulisan.

Sinabi ng grupo na hindi ang programa ng aktor na si Martin ang nagpapadumi sa imahe ng PNP kundi ang mga tiwaling miyembro ng mga ito dahil sa kanilang madugong anti-drug war, sexual abused sa mga kababaihan at mga bata, at pagkakasangkot ng mga ito sa iba’t ibang krimen tulad ng extortion.

“It is ridiculous that the DILG, under the notorious former general Eduardo Ano, is even seriously considering legal actions against the producers of the show,” ayon pa sa grupo ng mambabatas.

Isang uri umano ng censorship ang ginagawang ito ng DILG at PNP at maaring gawin din nila ito sa ibang programa kapag hindi nila magustuhan ang mga palabas na nagpapakita ng kasamaan ng ilang kapulisan.

Sa halip umano na pag-initan nina Ano ang teleseryo ni Martin ay pagtuunan na lamang ng mga ito ng atensyon ang pagtiyak na maparusahan at makulong ang mga pulis na sangkot sa  sex-for-freedom cases, rape, sexual harassment, extortion, extrajudicial killings at iba pa.

“We urge the cast and producers of ‘Ang Probinsyano’ to stand their ground and assert free speech and artistic freedom in view of the DILG and the PNP’s methods to display the Duterte regime’s tyrannical rule,” ayon pa sa grupo.

417

Related posts

Leave a Comment