‘GALAWANG PULIS’ SA NUVALI ABDUCTION, INALMAHAN

fajardo kidnapping123

(NI NILOU DEL CARMEN)

UMALMA ang Laguna police sa mga espekulasyon na mga pulis umano ang sangkot sa pagdukot sa dating aide ng Tanauan City mayor na si Allan Fajardo.

Ayon kay Laguna police director. PCol. Eleazar Matta, “unfair” sa mga kapulisan ang paratang dahil kahit sino anya ay pwedeng kumilos katulad  ng ginawa ng mga armadong kalalakihan sa nangyaring pagdukot.

“Kahit mga NBI, PDEA, mga sundalo at kahit mga security guard ay kayang gawin yun” ayon kay Matta.

Ang pahayag ni Matta ay kaugnay sa CCTV video na kuha sa hotel kung saan marami ang nagkomento na tila mga pulis ang dumkot kay Fajardo at sa driver nito base sa mga kilos at “galawan” at mga dalang mahahaba at maiiksing kalibre ng baril.

Ayon pa kay Matta, bagamat tumaggi ng makipag-koordinasyon sa kanila ang pamilya ni Fajardo, patuloy pa rin silang nagsasagawa ng independent investigation sa kaso.

Samantala may tatlong persons of interest na ang NBI na maaaring makatulong para maresolba ang kaso.

Sa isang panayam, sinabi ni NBI Special Action Unit chief Atty. Emiterio Dongallo na isa sa tatlo ay kaibigan ni Fajardo na nakatakda sanang makipagkita sa negosyante sa restaurant sa Sta. Rosa Laguna noong araw na ito ay dukutin ng armadong kalalakihan.

Natukoy ang dalawa pang persons of interest sa pamamagitan ng mobile phone ni Fajardo na naiwan sa crime scene.

Kinumpirma din ni Dongallo na hawak nila ang mahalagang testigo na tauhan ni Fajardo at nakapagtago umano at hindi napansin ng mga dukutin sa negosyante.

Umaasa ang NBI na makikipag-tulungan ang tatlong persons of interest at ang nasabing testigo para matukoy kung sino ang nasa likod ng pagdukot sa dating tauhan ni Halili noong ika-3 ng Abril.

104

Related posts

Leave a Comment