GAMBOA BAGONG PNP CHIEF

OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Philippine National Police officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Gamboa bilang sunod na hepe ng PNP.

“We have the PNP chief. I’m going to appoint you as the regular PNP. But you, Secretary Año and I will have a long, long talk first,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang naging talumpati sa Pasasalamat Gathering For Eagles SMX Convention Center, SM Lanang Premier, Davao City.

Hinangaan ng Pangulo ang ipinakita sa kanyang katapatan ni Gamboa.

“Pinakita mo sa akin ‘yung sincerity mo. I’d like you to leave something that you will be remembered by the country,” pahayag pa ng Chief Executive.

Si Gamboa, nakiisa sa event ay agad na nagbigay nang pagsaludo kay Presidente Duterte.

Si Gamboa ay itinalaga bilang officer-in-charge ng PNP noong October 2019 matapos na magbitiw sa puwesto si dating PNP chief Director General Oscar Albayalde dahil sa alegasyon ng katiwalian.

Matatandaang, isa si Gamboa sa sinabi ni Senador Bong Go na tatlong (3) matunog na high-ranking police officials at palaging nababanggit ni Pangulong Duterte bilang kapalit ni Philippine National Police (PNP) chief General Oscar Albayalde na nagretiro noong Nobyembre 8, 2019.

Kasama ni Gamboa sa pinagpilian ng pangulo sina  Police Lieutenant Generals Camilo Cascolan, at Guillermo Eleazar. (Christian Dale)

184

Related posts

Leave a Comment