GAMBOA NANGAKO’; MORALE SA PNP IBABANGON

(NI AMIHAN SABILLO)

“FOCUS sa trabaho at huwag papa-apekto sa kontrobersiya” ito ang paki usap ni Police Lt. Gen. Archie Gamboa na syang Officer-In-Charge ngayon ng Philippine National Police sa kanyang mga kasamahan sa organisasyon.

Makaraan ang pagbaba sa pwesto ni Police General Oscar Albayalde sa gitna ng “agaw-bato” issue, nanawagan si Gamboa sa mga pulis na balewalain ang ingay ng kontrobersya at gawin lang ang mandato nila na “to serve and protect”.

Ibabangon din umano nito ang humihinang morale ng nakararaming miyembro ng kapulisan sa gitna ng eskandalong yumanig sa organisasyon.

Iginiit ni Gamboa na kahit ngayon ay nasa transition at pansamantala lang ang pamumuno, nais niyang maging maayos ang  lahat hanggang sa makapili na ng susunod na hepe ng PNP si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Gamboa na kinausap umano sya ng Pangulo na ipagpatuloy ang mga kampanya ng PNP kasama na dito ang pinaigting na anti-criminality at illegal drug operations, plano sa internal security at maging kampanya laban sa kurapsyon.

Si Gamboa ay isa sa “Davao cops” at kaklase ni Albaylalde sa PMA class of 1986, isa din sya sa mga kandidato sa pagka PNP Chief.

Samantala, sinabi naman ni Gamboa na nag aabang pa sya ng outline of power mula sa National Police Commission.

Ngayong Martes din ang kauna-unahang pag-upo ni Gamboa sa command conference bilang OIC CPNP
 

117

Related posts

Leave a Comment