GLORIA NANINDIGANG WALANG BINAWI SA 2019 BUDGET

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD)

ITINANGGI ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na binawi ng mga ito ang kanilang bersyon sa 2019 national budget tulad ng ipinapalabas ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

“No, we have not withdrawn our version,” ani Arroyo kasunod ng mga ulat na binawi na ng mga ito ang kanilang enrolled bill na ayaw pirmahan ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III dahil binago umano ng mga kongresista ang orihinal na niratipikang P3.757 Trillion budget ngayong taon.

“We’re in discussions about what is the proposed new version,” Arroyo subalit hindi umano nila binabawi ang kanilang bersyon sa panukalang budget kung saan idinetalye ng mga ito kung saan gagamitin ang mga lump sum budget ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ayon sa dating pangulo, hindi unconstitutional ang pag-itemize sa mga lump sum budget dahil ito ang utos umano ng Korte Suprema noong 2013 na idetalye ang paggagamitan ng pondo ng gobyerno.

“We will insist on no lump sum because that is what is unconstitutional. That’s what we will insist, no lump sum. Now, as to the details, that’s the one that we’ll see,” ani Arroyo.

Nagbanta ang House Speaker na kung hindi magkasundo sa national budget ang dalawang Kapulungan ay posibleng walang pipirmahang national budget si Pangulong Rodrigo Duterte ngayong taon.

“If we don’t come to an agreement and then Tito Sotto does not sign the bill, then there’s no bill to send to the President. So I do not know if we will but I would wish we could,” ayon pa kay Arroyo.

Ang Kamara ay mayroon umano P79 Billion lump sum budget na in-itemize habang ang P74 Billion naman ang pondo na ayaw umanong idetalye ng mga senador kung saan-saan nila gagamitin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

66

Related posts

Leave a Comment