Walang kagatul-gatol na tumanggi si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sinadyang bilisan ng mayorya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpasa ng Resolution of Both Houses (RBH) 15 sa ikalawang pagbasa nito kamakalawa.
Ang layunin ng RHB 15 ay upang talakayin at ipasa ng dalaawang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magsasalin sa pamahalaang federal mula sa kasalukuyang sistemang presidensiyal.
Idiniin ni Arroyo na nagkaroon ng pagpapalitan ng ideya ang mga mambabatas sa plenaryo.
Hindi rin daw totoo na hinarang ng kanyang mga ‘bataan’ sa Mababang Kapulungan ang pagtatanong ng ilang opposisition lawmakers hinggil sa mga probisyong nagpapalawig sa termino ng mga kongresista, pagtanggal sa anti-political dynasty provision, at iba pang napakahalang panukala para sa pamahalaang federal.
Sa Lunes, isasalang sa plenaryo ang RBH 15 para sa ikatlo at huling pagbasa.
Inaasahang ipapasa ang kontrobersiyal na resolusyon kung haharangin ng mga kongresistang alagad ni Arroyo.
Hindi pa man nakararating sa Senado ang RBH 15 ay inihayag na ni Senate President Vicente Sotto III na walang silang oras na talakayin ang nasabing resolusyon.
237