GOBYERNO ‘WAG SISIHIN; CYBER LIBEL ASIKASUHIN

maria14

(NI TERESA TAVARES)

NANINDIGAN si Justice Secretary Menardo Guevarra na walang kinalaman ang press freedom sa pag-aresto kay Rappler CEO Maria Ressa.

Ito ang reaksyon ni Guevarra sa mga bumabatikos na pag-atake at panggigipit sa mga mamamahayag ang pag-aresto ng NBI kay Ressa.

Sinabi ni Guevarra na sinumang lumabag sa batas ay dapat panagutin at usigin.
Pinayuhan pa ng kalihim si Ressa na sa halip na sisihin ang gobyerno ay dapat harapin at tutukan ang kasong cyber libel dito.

Ang DoJ ang nagsampa sa Manila RTC ng cyber libel case laban kay Ressa at sa kolumnista ng Rappler na si Reynaldo Santos matapos makitaan ng sapat na batayan ang reklamong inihain ng businessman na si Wilfredo Keng at NBI.

Pinaboran ng DoJ si Keng at ang NBI dahil bagamat hindi sakop ng RA 10175 o Cybercrime law ang kinukwestyong artikulo ng Rappler nang ito ay orihinal na mailathala noong 2012 ay ni-repost at nirebisa naman ito noong 2014 kung saan maari nang panagutin sina Ressa ng cyber libel.

 

63

Related posts

Leave a Comment