2,000 PULIS INI-RECALL NG PNP SA ELECTION PERIOD

pnp

(NI NICK ECHEVARRIA)

KANSELADO ang lahat ng mga in-house trainings at iba pang mga  schoolings para sa 192,000 strong members ng  Philippine Natonal Police (PNP), kasunod ang pag-recall sa may 2000 mga pulis na ngayon ay sumasailalim sa magkakaibang specialization training programs.

Ito ang ibinunyag ni PNP spokesperson P/SSupt. Bernard Banac upang higit na mapalakas pa ang presensiya ng mga pulis ngayong nagsimula na ang election campaign period.

Paliwanag naman ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde, kailangan nilang i-maximize ang lahat ng mga available na bilang ng mga pulis para mamahala sa mga police operations, checkpoints at iba pang mga tungkulin na may kinalaman sa eleksyon, partikular ngayong nagsimula na ang panahon ng kampanyahan para sa mga senador at party-list.

Matatandaan na nauna nang ipinahayag ng PNP na posible pang madagdagan ang bilang ng mga election hotspots lalo na sa sandaling magsimula na rin sa March 29 ang campaign period para sa mga kandidato sa local election.

Kamakailan inilabas ng PNP ang mahigit sa 700 bilang ng mga election hotspots na mga lugar sa bansa na ikina-categorize sa ilalim ng color coding scheme.

Ipinaliwanag pa ni Albayalde  na ang pag-recall sa mga  pulis na nag-i-schooling ay bahagi pa rin ng standard protocol na umiiral sa PNP sa  panahon ng kampanyahan para makatulong ang mga ito sa halalan na bahagi ng kanilang duties and responsibilities.

Gayunman sinabi ng opisyal na tanging ang mga naka-confine sa mga hospital ang hindi kasama sa kautusan.

95

Related posts

Leave a Comment