Good news sa GSIS pensioners P3.2-B CASH GIFT IRE-RELEASE SA DEC. 6

IPALALABAS ng State pension fund Government Service Insurance System (GSIS) ang 2021 Christmas cash gift na nagkakahalaga ng P3.2 billion sa kanilang old-age at disability pensioners simula Disyembre 6.

Ang benepisyong ito ay kinilala ng mga pensiyonado bilang kanilang “Christmas bonus.”

“Sa kabila ng hinaharap nating pagsubok dahil sa pandemya, hangad naming makatulong pa rin sa pagbibigay ng masaya at maginhawang Pasko sa aming mga pensiyonado. Kaya naman siniguro ng GSIS Board na maaga ang ecrediting ng Christmas cash gift sa kanilang mga UMID card o eCard,” ayon kay GSIS president at general manager Rolando Ledesma Macasaet.

Para sa mga pensiyonado na nakatanggap ng mahigit P10,000 cash gift noong 2020, pagkakalooban ang mga ito ng halagang may katumbas ng isang buwan ng kasalukuyang pensiyon subalit hindi lalampas sa P12,600.

Para naman sa nakatatanggap ng P10,000 pababa noong 2020, makatatanggap ang mga ito ng cash gift na may katumbas ng isang buwan ng kasalukuyang pensyon hanggang maximum na P10,000.

Ang mga nagpatuloy naman ng kanilang regular monthly pensions matapos ang Disyembre 31, 2020 (matapos ang five-year guaranteed period) ay bibigyan ng halagang may katumbas ng isang buwan ng kasalukuyang pensyon hanggang P10,000.

“Qualified to receive the cash gift are old-age or disability pensioners who are living as of Nov. 30, 2021 and retired under Republic Act (RA) No. 8291 (GSIS Act of 1997), Presidential Decree No. 1146, and RA 660 (Magic 87),” ayon kay Macasaet.

“Those who are on suspended status due to non-compliance with the Annual Pensioners Information Revalidation (APIR) will be eligible for the cash gift provided they activate their status on or before 30 April 2022,” dagdag na pahayag nito.

Ang mga survivorship pensioners, dependent pensioners, pensioners sa ilalim ng RA 7699 (Portability Law), at sa mga tumatanggap ng pro-rata pension ay “not eligible” para sa Christmas cash gift.

Ang mga bagong retirees mula 2017 hanggang 2021 na kumuha ng agarang pensiyon sa ilalim ng RA 8291 ay makatatanggap ng kanilang kauna-unahang annual Christmas cash gift, limang taon matapos ang kanilang retirement date.

Para naman sa retirees na nakakuha ng five-year lump sum, magkakaroon ang mga ito ng karapatan sa benepisyo matapos ang five-year guaranteed period o sa oras na nagsimula na silang tumanggap ng kanilang monthly pension.

“Similarly, members who were separated from service from 2006 to 2021 before reaching the age of 60 and who started receiving their regular monthly pension between 2017 and 2021 will be entitled to the cash gift once they have been regular pensioners for at least five years,” ayon kay Macasaet. (CHRISTIAN DALE)

1

Related posts

Leave a Comment