GOV’T EMPLOYEES BAWAL TUMANGGAP NG REGALO — CSC

csc33

(NI ABBY MENDOZA)

NANINDIGAN ang Civil Service Commission(CSC) na iligal at dapat tanggihan ng government employees  ang anumang uri ng regalo.

Ang paglilinaw ay ginawa ni CSC Commissioner Aileen Lizada matapos sabihin ng Malacanang na maaaring tumanggap ng regalo ang mga pulis basta wala lang sa kategorya na “excessive”.

Ani Lizada, malinaw na itinatakda sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na bawal ang pagtanggap ng regalo maliban lamang sa tatlong pagkakataon na transaksyon sa foreign government.

“3 exceptions are gifts of nominal value given by foreign governments as a souvenir or mark of courtesy; grants like scholarship or medical treatment; and travel grant, including lodging and transportation allowance,” paliwanag ni Lizada.

Maging sa ilalim umano ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act at sa 1973 Decree na nilagdaan ni dating pangulong Ferdinand Marcos ay bawal ang pagtanggap ng mga regalo kahit may okasyon gaya ng Pasko lalo kung ang regalo at masyadong magarbo o mahal.

Kung nagustuhan umano ang tulong o serbisyo ng isang kawani ng gobyerno ay maaari naman na magbigay ng thank you letter na maisasama sa 201 file ng empleyado para magamit sa kanilang promosyon.

“When you serve, your office should be  reproach, beyond suspicion kaya wag na ho kayong tumanggap ng regalo.Bayad na ho kasi kami when people file their respective income tax returns.Okay na ho sa amin ang ‘thank you,'”sabi pa ni Lizada.

 

172

Related posts

Leave a Comment